Monday, March 21, 2011

03192011 - 03202011 Puerto Galera

Matagal na rin na d ako nakakabalik sa Puerto Galera. Nice timing talga ung plan namin na date para pumunta dito, walang masyadong tao at mura pa ang accomodation. From San Pedro, Laguna umalis kame mga 430am. Sobrang nakakatuwa, d na kame dumaan pa ng mga bayan bayan..from ACTEX derederetso ng nga Batangas Port. Ang haba ng byahe.. kakapagod magdrive a..Masyado akong nanibago, maayos na ang mga daan at d na ko nagtatanong at naligaw pa. :) Madami dami din ang mga nakasabay namin..pati mga trak at container van, ten wheeler.

D man lang namin napicturan ng maayos ang signage..sobrang excited na kasi ako..hehehe. kada tollgate na mahihituan namin nagtatanong ako kung san ang Batangas Port..ang sabi deretso lang po...kulet ku nu?








Pagdating sa port nagtanong ako kung san magpapark. may nagturo saken..kaso sabi ko ang pagkakatanda ko sa loob ako ng port ng park, kaya sabi ko sa nag assist samen sa loob ako ayaw ko sa labas ng port magpark. pumasok ako mismo sa port at naalala ko na lahat. 200+ php ang binayaran ko for overnight. Pinark ko ng maayos si bruno at nagpaalam na kame sa kanya.

Ang ticket namin ay 450php Balikan na..meron pa kameng binayaran na terminal fee at ewan ko ..limot ko na..50(25 ang isa) + 60(30 ang isa) ang binayaran pa namin. Bumili pa kame ng tubig sabi nila mahal daw sa Puerto (hindi naman totoo), hmpt! pag dating sa loob ng port, maraming upuan na, haay salamat at makakapag pahinga na rin ako sa mahabang pagddrive. Bumili ng Choco sa Dinkin si yamyam, ako hindi ako kumain o uminom..excited e.!

Dun na rin ako kumuha ng room namin sa White Beach Resort. 1500 php ok na rin isang queen bed at isang single na kama. ok na kahit tatlo o apat pa kame.

7+am ang byahe namin Mahilo hilo ako sa byahe ito talaga ang pinakaayaw ko dito pag papunta sa Puerto, pag nadadaan na kame sa mindoro..sabi nila ito daw ung malalim na dagat at may mga pating daw..waaaah..ang alon pa..huhuhu.. hilo to the max talga ako..nakatingin lang ako sa labas, pag binabaling ko ang ulo ko sa loob ng bangka.. O.0 LULA!

Matagal din ang byahe namin.. dumadaan na kasi ang mga bangka sa iba pang port bago pumunta sa White Beach. nakita ko rin ang Coco Beach..ang saya nakikita ko lang sya sa Search engine pero ngaun nakita ko na talga sya. maganda ang place hindi maraming tao..siguro kasi mahal dun..hehehe




Sa wakas nakarating na rin sa Puerto..pag baba ng bangka may sumalubong na agad samen..timinbrihan na kasi ng tao sa port na dadating kame, guest ng White Beach Resort. ang kulet pangalan ko talaga ang nakalagay..heheh..pd naman petra..hehhehe!!


pagkapasok sa room namin at iniwan nag mga gamit namin(safe naman ang place) diretso agad sa kainan..GUTOM NA KO! may WIFI pero mahina ang signal..maiinis ka lang..kaya kaen na lang kame.

Sarap ng kaen namin kahit agahan palang..d ka magugutom talaga. After kumaen.nag ikot ikot muna kame.. tingin tingin kung ano mabibili. nakabili ako ng mga bracelet na tig 20 pesos..pd na rin na pasalubong, bag naa 150 ang isa..pwede mo pang tawaran..mas marami mas mura at bumili din ako ng Chimes, remembrance para may nabili din ako sa Puerto 300 ang bili ko..ok naman sya maganda pa ang kulay...kulay RED..heheh.. :) at nagtanong tanong kung magkano ang banana boat(200 each), snorkling:1500 ang rent ng bangka, mag madame mas maganda kasi sharing. at ang trip papuntang Tamaraw falls. hhhmmm.. Kung banana boat masaya sure kasing ihuhulog talga kayo, pero may bad experience kasi ako, dito mismo sa Puerto masama kasi pag ikaw ung nasaunahan..pagtaob ng bananaboat lahat ng nasa likuran mo malamang lamang sau ang bangsak..argh! saket sa ulo, sa likod..advice ko sa bang likuran kayo umupo..hehehe... kung Snorkling naman..hmmm dapat d na tanghali, malamang wala na si Nemo nun..dapat maaga talga..tanong ako ulit..trip to Tamaraw Falls na lang ang d ko pa nattry dito..700 ang presyo pupuntahan nyo tamaraw falls..not bad..ang haba ng byahe nun e. Nilagay muna namin ung mga pinamili namin sa aming kwarto habang naghihintay sa tricycle na maghahantid samin sa Falls.




Unang distenasyon, Virgin Mary, sabi nung naghatid samin, ung virgin daw nakuha sa pinagpupwerstuhan nya ngaun..tinayuan ng monumento dun at dun na inilagay.. ang ganda ng place, sa mga pupunta ng mga Puerto iilan lang nakakaalam nito.





Ang Virgin Mary ay nakaharap sa dagat. Bumaba kame hanggang sa ibaba..nakakatakot, mahangin..pero ang sarap ng experience na un. tanggal ang pagod dahil sa mahabang byahe namin.

at sa gilid nito ay meron ding dalampasigan na dinadayo ng mga tao. Pwede din maligo dito. May parte ang daanan na ginagawa pa ng Gobyerno. GOOD WORK! para mag mabilis ang byahe.at d magaatubi ang mga turista na magikot pa sa lalawigan ng Mindoro. Hindi na mahirap magbyahe pa.




Nung kame'y nakarating sa Tamaraw falls ako'y tuwang tuwa..nadaanan namin ito dati kaso d ako bumaba, ngaun mararanasan ko na rin maligo dito.ang Falls ay makikita agad dahil ang harap nito ay ang daan papuntang Port. Sabi ng mga tao dun kaya daw ito tinawag na Tamaraw falls, dahildaw nung unang panahon marami daw na tamaraw na gumagala gala lang sa paligid nito. ngaun istatwa na lang sila. :(




Bumaba kame sa ibaba my entrace fee na 5php isa...at duon naligo na naman kame..ang sarap! lameg! lameg! hehehe. Hihintayin kayo ng Tricycle driver na nirentahan nyo, kahit anong oras gusto nyo ng bumalik sa beach.

Kumaen kame ng Banana que..hehhe.pinoy na pinoy!


After nito ay bumalik na kame sa White beach at kumaen na naman kame.. ang sikat sa kanila? ang KEBAB! chicken o Pork KEBAB..sarap! ang masarap saken ung chicken ..masarap talga sya.



At nagpagawa kame ng bracelet na kadalasan ito ang mga trabaho ng mga tagadoon, meron dreadlock, massage, tattoo at may mga nagbebenta ng mani, nakaktuwa d ka magugutom talga at maaliw ka sa mga dami ng tao na dumadaan. habang hinihintay namin matapos gawin ung bracelet, nagpahenna si yamyam. tinkerbell!Nagpahinga muna kara para pagsapit ng gabi kame ay may lakas na.







At ng kagabihan kame ay nagtungo sa isang bar. Sobrang saya.. tawanan! Nakakatuwa ang mga baklush, inuman! sayawan ng sayawan! At kame ay omorder ng sikat na inumin sa kanila ang ...MINDORO SLING(330 php). naka dalwang pitsel kame nito..ang siste??? ayun lashing yamyam ko! hahah! as in.. define! d ko na iipost pa dito ang kanyang litrato.




Wlang maalala kinabukasan..NAKU! sabi ko magssnorkling ng umaga e..sa sobrang kalasingan d gumising ng maaga. AYUN!



10am na kame bumangon at kailangan namin magligpit na dahil 12pm ang check out ng mga room. Bumili muna ako nang makakain sa "FOODTRIP" sarap din, tapsilog, longsilog, ata marami pang iba.


At kame umalis ng 1230pm, buti na lang umalis kame ng ganun oras kung hindi gagabihin kame ng byahe..mga naka dalwang port ang pinuntahan pa namin bago sa Bangastas port, dumaan ulit kame sa Coco beach at ung isa naman dun sa port na maraming ngddiving. nakarating kame ng 4pm sa bangatas..waaahhh!! ang tagal



Salamat PUERTO GALERA sa karanasan ibinigay mo sa aming SUMMER 2011. Magkikita ulit tayo!

No comments: