Asan ba ang letseng Jollibee na yan. Hahaha! Kung kailan ako natatakam. D ko makita.
Gusto kong umiyak, ung malakas na malakas. Makita ko ang aking mga kababayan. Ung simpleng pagtitipon lang masaya na sila. Peo kung titignan mo ang sasaloobin nila umiiyak sa lungkot.
Ung may mga anak at asawa na iniwan sa Pilipinas dito may ka-date na iba. Naiiyak ako. Ung lungkot nila dinadaan na lang sa ganun, naiisip pa nila ang kanilang pamilya? Naiisip ba nila na nalulungkot din ang pamilya nila sa ating bansa? Parang dinadaan na lang dun ung simpleng kaligayahan. Ung mga lalakeng parang vulture, nag aantay ng may papansin na pinay. Naiiyak ako. Bakit ganto ang buhay. Ganun na lang ba iwan ang pamilya? Para sa simpleng kaligayahan. D ko nilalahat at ito ay naiisip ko lamang.
Pag andito ka, mararamdaman mo ung stado mo sa buhay. Grabe ang saya nila. Gusto kong sumali, kaso baka maiyak lang ako pag narinig ko na ang mga kwento nila.
Gusto kong akapin sila at maramdaman ang kanilang mga hinaing sa buhay.
Panginoon, lahat ng ito nananalangin sa inyo, para sa kaluwagan ng kani kanilang pamilya nawa'y dinggin mo ang kanilang kahilingan para sa kabutihan ng kanilang pamumuhay.

No comments:
Post a Comment