AirAsia galing KL papuntang Penang. Pag dating sa Penang Airport , ng rent kame ng car para sa dalawang araw na pag sstay namin dun. Kailangan mo lang iiwan ung passport mo ung taong magrrent ng kotse. Ikot ikot si Camille lang ang nag drive since local sya at may mga lugar na syang alam puntahan.. Una, shempre ginutom kame..kaen muna kasi sa isang local na kainian.. shempre, wanton noodles dry na naman ang inorder ko. sarapa kaya.. sabi nila ang masarap dito ay ung Keuy Teow noodles.. local na food nila na masarap. Sa una takot pa ko kumain nun kasi nga baka d ko magustuhan.
Sulit ang pagrerenta ng kotse dito..kasi 1 to sawa ka bahala ka kung san mo gustong pumunta. Unang pinuntahan namin ay ang Penang Hill Railway. Sasakay ng train papunta sa hill.....wooooow! un lang masasabi ko.. maganda pumuwesto sa bandang unahan..para makita ung paakyat at pababa ng hill..grabe... medyo nakakatakot.. sa Itaas na hill na un bumaba kami at inikot ikot ang lugar na iyun.
At pagkatapos nun ay pumunta naman kama sa tinatawag nilang Penang Art street. Kung san ang mga pader sa kalye ay merong mga desenyo o mga ukit na may mga kulay. Ang kulit lang kasi may mapa kame kailangan lang lakarin ito..para isa isahin ung mga kalye at makita ang mga drawing.
No comments:
Post a Comment