Wednesday, June 28, 2017

Sisiran sa .....ANILAO, BATANGAS

25 September 2015























Unang pagkakataon na magdive sa Pilipinas. Napili namin puntahan ang Anilao, Batangas.
Ang mga kasama ko nagmula pa sa Manila at ako naman galing sa San Pedro, Laguna.
Medyo malapit na rin naman na. Nabawasan ako ng 45mins-1 oras na byahe.

Sa Solana resort kame kumuha ng dive package. 1500Php ang aming binayaran. Kasama na rin dun ang pagkaen. Ang hindi kasama ang magcheck in. Ang mga kasamahan ko nagcheck in sila. Since malapit lang ako at kaya ko magbyahe nag uwian na lang ako.

Sana magustuhan ninyo ang video, Maganda sa ilalim ng tubig pero di mo pa rin maalis ung pangamba. ung nakakita ng d mo inaasahang mga isda. heheh. Nung nakita ko ung Restaurant na lumubong d ko maexplain ung naramdaman ko. nakakatakot na ewan. Parang iniisip ko baka biglang may lumutang o lumitaw.

Mas maganda talaga pag my sarili kang gamit. Unang una hindi ka na magrrent pa ng mga gamit at ikaw lang talaga ang nagamit. Basta alaga lang sa maintenance baka rumupok kasi pag d nagagamit masyado.

May parang ahas akong nakita sa ilalim. hindi ko ala ang tawag dun. Pero natakot ako nung nakita ko.

Pumunta din kame sa Restaurant wreck. Sabi nung Dive Master namin sinandya daw ang paglubog nun. Natakot ako nung nakita ko un. Iniisip ko kung my mga kaluluwa bang naligaw dun. Hay!

Sa muling paglalakbay sa ilalim ng tubig.



No comments: